♥
Tuesday, July 31, 2007
5:52 AM
Alam mo kung ano ang talagang kinamumuhian ko?
Yung pinupuna lahat ng kamalian mo at ipamumukha ang mga 'yon sa'yo.
Yun bang nasa itaas ka, tapos biglang babatuhin ka, hindi papipigil hanggang makita ka niyang nakahandusay sa may kinaroroonan niya.
At higit sa lahat, ayaw na ayaw ko na may mga piraso ng graba sa sapatos ko, habang papunta ako sa mall.
Seriyoso ba.
Namimis ko na yung mga panahong lalabas
kami sa gitna ng gabi at walang makikialam kung masyadong ''
hindi ako'' ang mga ginagawa ko. Yun bang walang pakialamanan kung makapal ang blush-on at masyadong matigas ang buhok sa hairspray.
Namimis ko na ang Maynila. Kahit ang maliliit na piraso ng alikabok na bakat na bakat sa puti kong trapeze top.
Seriyoso ba.
May kaibigan ako dito, pero wala akong kasama. Alam mo yun.
Wala akong sinasabing alam kong pagsisisihan ko sa huli. Magkaiba ang kaibigan sa kasama. Mas matimbang ang kaibigan; kaya sana naman hindi magdamdam ang mga kaibigan ko.
Nagiinarte lang talaga ako ngayon, pagpasensiyahan niyo na.
At bago ko makalimutan,







